We, lovers of freedom and democracy, remember Plaza Miranda, August 21, 1971.
We remember and honor the ultimate sacrifice of nine fellow Liberals, and the mental and physical scars of the 95 others who were injured here, this day 47 years ago.
We remember and respect the brave Liberal heroes who held the line and resisted the specter of dictatorial rule, for all freedom-loving Filipinos.
Today, 47 years hence, we, new Liberal Party members, vow to continue the fight.
We, of the revitalized Liberal Party, promise to tirelessly work to renew and strengthen democracy, especially now when another gang of liars, plunderers, and murderers brutally and shamelessly subvert the freedoms we won back in 1986.
We, who dream of a peaceful and prosperous Philippines, believe that only a strong democracy ensures this future for all Filipinos.
Today, on this occasion, on this historic spot, hallowed by Liberal blood, we renew our commitment to do all these. We will build a party rooted among the people, a party that defends democracy and fights for freedom for every citizen of the Philippines.
*
Tayo, tayong mangingibig ng kalayaan at demokrasya, ay ginugunita ang Plaza Miranda, Agosto 21, 1971.
Ginugunita at tinatanghal natin ang huling alay ng siyam sa ating kapwa Liberal, maging ang mga peklat sa diwa at katawan ng mga nasaktan dito, ngayong araw na ito noong 1971.
Ginugunita at ginagalang natin ang mga magiting na bayaning Liberal na lumaban sa nagbabadyang diktadurya noon, para sa lahat ng Pilipinong mangingibig ng kalayaan.
Ngayon, pagkaraan ng 47 na taon, tayo, mga bagong kasapi ng Partido Liberal, ay sumusumpang ipagpapatuloy ang laban.
Tayo, tayong bahagi ng mas pinasiglang Partido Liberal, ay nangangakong ibubuhos ang buong lakas para mas palakasin ang demokrasya, lalo na ngayong may isa pang grupo ng mga sinungaling, mandarambong, at mamamatay-taong brutal at walang-hiyang winawasak ang mga kalayaang ipinanalo natin noong 1986.
Tayo, tayong nangangarap ng isang mapayapa at maunlad na Pilipinas, ay naniniwalang tanging isang malakas na demokrasya ang magsisiguro ng ganitong kinabukasan para sa lahat ng Pilipino.
Ngayon, sa okasyong ito, sa makasaysayang lugar na ito, na pinagpala ng dugong Liberal, inuulit natin ang lahat nitong ating sinumpaan. Itatayo natin ang isang partidong nakaugat sa mga tao, isang partidong ipinagtatanggol ang demokrasya at ipinaglalaban ang kalayaan para sa bawat mamamayan ng Pilipinas.
Tuloy ang laban. Laban, Liberal! Hindi ka nag-iisa.