Joint statement of Vice President Leni Robredo, Partido Liberal chairperson,
Sen. Kiko Pangilinan, Partido Liberal president,
Rep. Kit Belmonte, Partido Liberal secretary general
on the approval of the Bangsamoro Organic Law by the bicameral conference committee
This brings the Filipino people a critical step closer to peace and prosperity, and our Moro brothers and sisters to their quest for the right to self-determination and full autonomy.
We commend the Moro leaders, lawmakers, and other stakeholders for getting the work done.
We also thank the previous administrations for taking the initiative through what was variably known then as the Bangsamoro Basic Law and the Memorandum of Agreement-Ancestral Domain (MOA-AD).
It is noteworthy that our Moro brothers and indigenous peoples have helped craft and approve this law. The Bangsamoro entity is the result of their own struggle — for independence through armed struggle finally reaching a peacefully negotiated solution.
It matters most to the people in Mindanao whose blood has sanctified their land and their struggle. It matters to all Filipinos who share their struggle because a peaceful, progressive Mindanao is a peaceful, progressive Philippines.
A year ago today, martial law in Mindanao was extended. We remember how people were displaced from their homes, how families were separated, how lives and livelihoods were disrupted or terminated.
The Marawi siege and the ensuing martial law remind us that while an instrument of peace and progress, the passage of the organic law is just a start. We have to remain vigilant at every step of the way to see its implementation through.
The law is not just a document, but about charting a better future now for the people of Mindanao, with respect and dignity for all.
**
Isang mahalagang hakbang ito para sa mga Pilipino tungo sa kapayapaan at kasaganaan, at sa mga kapatid nating Moro tungo sa ganap na pagpapatupad ng karapatang iguhit ang sariling tadhana.
Pinupuri natin ang mga lider na Moro, mambabatas, at iba pang stakeholder sa natapos na gawain.
Pinapasalamatan din natin ang mga nagdaang administrasyon sa kanilang sinimulan na noo’y tinawag na Bangsamoro Basic Law at Memoranum of Agreement-Ancestral Domain (MOA-AD).
Makabuluhang kasama sa pagpapanday at pagpapasa ng batas na ito ang mga kapatid nating Moro at katutubo. Bunga ang Bangsamoro ng kanilang sariling pakikibaka — para sa kalayaan na nagsimula sa digmaan hanggang, sa wakas, ay maabot ang isang mapayapang kasunduan.
Mahalaga ito sa karamihan ng taga-Mindanao na pinagpala ang kanilang bayan at pakikibaka ng sariling dugo. Mahalaga ito sa lahat ng Pilipino na nakikiisa sa kanilang pakikibaka dahil ang isang mapayapa at maunlad na Mindanao ay isang mapayapa at maunlad na Pilipinas.
Ngayong araw na itp noong nakaraang taon, pinatagal ang batas-militar sa M8ndanao. Naaalala natin kung paanong nawalan ng tahanan ang ating mga kababayan, paanong nagkahiwa-hiwalay ang mga pamilya, paanong nakitil ang mga buhay at kabihayan.
Ang gulo sa Marawi at ang pinataw na batas-militar ay paalala sa atin na kahit na ito ay pandayan ng kapayapaan at kaunlaran, ang pagpasa ng organic law ay simula pa lamang. Dapat tayong maging mapagbantay sa bawat hakbang na tatahakin upang matiyak ang maayos na pagpapatupad nito.
Hindi simpleng papel ang batas, ito rin ay gabay sa paghanap ng mas mabuting kinabukasan para sa mga taga-Mindanao, nang may paggalang at dangal para sa lahat.