On ‘moving on’ from the Ninoy Aquino assassination

Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president,
On ‘moving on’ from the Ninoy Aquino assassination

It was never just an issue between the Marcoses and the Aquinos. More than anything, it was an issue between the Marcoses and the entire nation that suffered immensely from the abuses, the greed, and the oppressive and tyrannical rule of Marcos the dictator.

How can those who were unjustly detained, tortured, and murdered move on when there is not remorse, not any act of atonement, not acceptance and recognition of wrongdoing on their part? How can the Filipino people move on when the Marcos family continue to deny the billions of dollars in unexplained wealth that ran our economy to the ground and earned the late dictator the title world’s greatest thief?

The Japanese Emperor in his state visit to the Philippines in 2016 expressed deep remorse for the atrocities committed by the Japanese Imperial Army in the Philippines during World War 2. The Marcos family should do the same for the abuses and atrocities committed to tens of thousands of Filipinos under martial law. The Marcos family should return what they plundered to the country. The Marcos family should stop using this same unexplained wealth to lie and rewrite history. When these happen, then we can all talk about and consider moving on.

Apologize and express remorse first before we talk about moving on.

**

Hindi kalianman ito usapin sa pagitan lang ng mga Marcos at Aquino. Higit sa lahat, ito ay usapin sa pagitan ng mga Marcos at ng buong sambayanang nagdusa sa pang-aabuso, sa kasakiman, at sa mapang-api at mapaniil na pamumuno ng diktador na si Marcos.

Paano makaka-move on ang mga di-makatarungang kinulong, mga tinorture, at mga pinatay kung wala man lang pagsisisi, walang intensyong magbayad sa kasalanan, walang pagtanggap at pag-amin sa maling ginawa nila? Paano makaka-move on ang mga Pilipino kung patuloy na itinatanggi ng pamilya Marcos ang kanilang bilyong dolyar na di-maipaliwanag na kayamanan na nagpasadsad sa ating ekonomiya at nagbigay ng titulo kay Marcos na pinakamatinding magnanakaw sa buong mundo?

Ang Japanese Emperor, sa kanyang state visit sa Pilipinas noong 2016, ay nagpahayag nang matinding pagsisisi sa mga pagmamalabis ng Japanese Imperial Army sa Pilipinas noong World War 2. Ganito rin ang kailangang gawin ng pamilya Marcos sa mga kalabisan at kalupitan na dinanas ng libo-libong Pilipino sa ilalim ng batas-militar. Dapat ibalik ng pamilya Marcos ang mga ninakaw sa bansa. Dapat itigil ng mga Marcos ang paggamit sa nakaw na yamang ito para magsinungaling at ibahin ang kasaysayan. Kapag nangyari na ang mga ito, saka lang natin pwedeng pag-usapan at isaalang-alang ang pag-move on.

Humingi muna ng tawad at magpahayag ng pagsisi bago tayo mag-usap tungkol sa pag-move on.