LIBERAL PARTY SENATORS ON NATIONAL HEROES DAY

SEN. FRANK DRILON:

The theme of heroism for today’s day of recollection is embedded in the ideals of Democracy. All Filipinos who gave their lives for the nation made their ultimate sacrifices to the altar of Democracy. Let us remember, on this day, how many times in our history our forebears fought valiantly against tyranny. Let us remember and stand in awe, as well, to the successful fights waged by our Muslim brothers and sisters, against oppressive systems. Our heroes are by definition heroes to Democracy. On this day, it is clear that we Filipinos are beginning to again find our courage and our faith in this form of government and society.

SEN. BAM AQUINO:

Today we are again reminded of heroism — and it is not only because it is National Heroes Day. As we remember the courageous men and women who founded our nation and fought for it time and again in the last one hundred years, we cannot but be overwhelmed by the courage of the Armed Forces of the Philippines, the leaders of civil society, the school-based groups, and the citizens who show their commitment to democracy in their own ways. We know that for many, they wage their own lives to pursue the vision of a democratic society. We salute them today. We honor their commitment.

 

SEN. KIKO PANGILINAN:

Araw ng Kagitingan, isang katangiang hindi nawawala sa mga Pilipino — kahit anong mangyari. Sa Marawi ngayon, ipinapakita ng mga sundalong Pilipino kung papaano maging matapang, buo ang loob, magiting. Sa libing ni Kian nito lamang Sabado, ipinamalas ng maraming kabataan ang lakas ng loob laban sa maling takbo ng war on drugs. Sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas, araw araw tuloy ang hanapbuhay ng mga kapus palad, sa gitna ng pangambang mapagkamalan silang adik o pusher. Si Senator Leila de Lima, tinanggap ang kapalaran ngunit buong giting na ipinagpapatuloy ang paglaban sa kawalang katarungan. Maliwanag na hindi natitinag ang Pilipino. Hindi bumibigay sa pananakot. Hindi nauubusan ng kagitingan. Mabuhay ang Pilipino.

 

SEN. LEILA DE LIMA:

Kung babalikan ang kasaysayan, mapapansing dumadaan tayo sa siklo ng pagkadapa at pagbangon, sa pagkapiit at paglaya mula sa mapaniil na pamamahala, at sa pagkaapi at pagpapanagot sa mga abusadong pinuno. May mga panahong natututo tayo at nagkakaisa, pero may mga yugtong nakakalimot din at nagkakanya-kanya.

Alalahanin sana natin: Hindi nagbuwis ng buhay ang mga naunang Pilipino para mabawi ang kalayaan mula sa dayuhan, para lamang ngayon ay hayaan natin ang pagpatay ng libo-libong Pilipino. Hindi nag-alay ng buhay ang marami nating kababayan para ipagtanggol ang pambansang dangal kung ipamimigay lang din natin ang ating mga teritoryo. Hindi nagkaisa ang milyon-milyong Pilipino sa EDSA at humarap sa tiyak na peligro, para lang bumalik tayo sa rehimen ng marahas at malupit na diktadurya.

Minsang isinilang ang isang bata sa Laguna at paglaon ay naging pambansang bayani. Minsang nangarap ang maraming bata sa Iloilo at Davao, at naging tunay at tapat na mga kawal. Minsan na ring may mga naligaw ng landas, pero natuto, nagabayan, at naging mabubuting Pilipino. Minsan din lang nagkaroon ng 7-taong gulang na Saniño Butucan ng Cebu, 5-taong gulang na Danica May Garcia ng Pangasinan at Francisco Manosca ng Pasay, ng 4-taong gulang na Althea Fhem Barbon ng Negros Oriental, at 17-taong gulang na Kian delos Santos ng Caloocan. Minsan lang. Pero pinagkaitan ng pamahalaang ito na mangarap at maging bahagi ng isang higit na mabuti at mapagkalingang lipunan.

Tunay po: Hindi maisusulat sa mga pahina ng kasaysayan ang lahat ng pangalan ng mga bayani. Pero sa paggalang sa karapatang pantao, sa pagmamalasakit sa dignidad ng Pilipino, at pagtataguyod ng isang makatao at makatarungang kinabukasan, nabibigyan ng saysay ang ipinaglaban ng ating mga bayani.

Sa pagpapatuloy ng kanilang nasimulan, sa pag-una sa kapakanan ng bayan kahit sa munti nating mga paraan, tayo ay maituturing na ring mga bayani.

Isang makabuluhan at mapagpalayang pagdiriwang sa ating lahat.