Message of party president Sen. Francis “Kiko” Pangilinan on Partido Liberal’s 73rd anniversary
Let us continue to listen, learn, and act for our people: Sen. Kiko
Every anniversary is a new beginning. For the Liberal Party, it symbolizes a renewed enthusiasm and strength to pursue being the genuine party of the people.
We will continue embarking on the sustained effort to listen to each other, to learn from each other, to respect one another, and to seek common ground for action.
Too often, the people remain in the fringes, unheard and waiting for trickles of government assistance.
It is time to bring the people, especially the poor and the middle class, at the forefront of government priorities. When we listen to them, we find out that they have simple needs for their family — honest and efficient government service, ready assistance in times of needs, safe streets, better transportation, decent jobs, and affordable food, shelter, and education.
We are at a pivotal moment when we will once again be given the power to choose the next batch of leaders who will chart the course of the nation. The stakes are high. The consequences of us just sitting at the sidelines or voting the wrong people are dire.
The good news is that we have people in our midst who are upright, hard working, learned and ready to listen and act. They are Otso Diretso senatorial candidates Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas, and Erin Tañada.
We should be able to distinguish them from the demagogues who promise simple fixes to our complex problems.
When reckoning day comes, let us choose the right people because our democracy and progress depend on them.
Mensahe ng pangulo ng partido Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa ika-73 anibersaryo ng Partido Liberal
Patuloy tayong makinig, matuto, at kumilos para sa ating mamamayan: Sen. Kiko
Ang bawat anibersaryo ay isang bagong simula. Para sa Partido Liberal, sinasagisag nito ang isang panibagong sigasig at lakas upang ituloy ang pagiging tunay na partido ng mamamayan.
Patuloy nating pagsisikapang pakinggan ang bawat isa, upang matuto mula sa isa’t isa, igalang ang isa’t isa, at maghanap ng mga pinagsasaluhang dahilan para sa pagkilos.
Kadalasan, nananatili ang mga tao sa laylayan, hindi naririnig at naghihintay lang ng patak na tulong mula sa pamahalaan.
Panahon na upang gawing prayoridad ng pamahalaan ang mga tao, lalo na ang mahihirap at ang middle class. Kapag nakikinig tayo sa kanila, nalalaman natin na simple lang ang kanilang mga pangangailangan para sa kanilang pamilya — matapat at mahusay na serbisyo mula sa pamahalaan, handang tulong sa panahon ng kagipitan, ligtas na mga lansangan, mas maayos na transportasyon, trabahong nakakapamuhay ng pamilya, at abot-kayang pagkain, tirahan, at edukasyon.
Tayo ay muling nasa isang napakahalagang sandali at mabibigyan ng kapangyarihang piliin ang susunod na mga lider na magtatakda sa landas ng ating bansa. Malaki ang nakataya. Katakut-takot ang kahihinatnan natin kung tayo ay uupo lamang sa tabi o boboto sa maling tao.
Ang mabuting balita ay: may mga kasama tayong matatapat, masisipag, mahuhusay, at handang makinig at kumilos. Sila ang ating mga Otso Diretsong kandidato sa Senado na sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas, at Erin Tañada.
Dapat nating kilalanin natin sila, ibang-iba sa mga trapong nangangako ng mga simpleng solusyon sa ating mga masalimuot na problema.
Sa pagdating ng araw ng pagtutuos, piliin natin ang tamang mga tao sapagkat sa kanila nakasalalay ang ating demokrasya at pag-unlad.