Ang tawag ng panahon ay lakas ng loob at tapang ng paninindigan

Ngayon, Agosto 21, gugunitain natin ang dalawang trahedya sa kasaysayan ng Pilipinas: ang pagbomba sa Plaza Miranda noong 1971 at ang pagpatay kay Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong 1983.

 

 

Siyam ang napatay, at may isang daang nasugatan, kabilang ang mga kandidato para senador ng Partido Liberal na sina Jovito Salonga, John Osmena, Eddie Ilarde, Ramon Mitra, at Eva Estrada Kalaw dahil miting de avance iyon ng partido. Makalipas ang isang taon, noong Setyembre 1972, ipinataw ng yumaong diktador Ferdinand Marcos sa buong bansa ang batas militar.

Binaril si Ninoy Aquino noong 1983 paglapag niya sa paliparan pagkatapos ng ilang taong pagpapatapon sa kanya sa Estados Unido. Naging trigger ito ng kaguluhan sa buong bansa na humantong sa pagpapatalsik ng diktador at ng kanyang pamilya noong 1986.

Kahit na trahedya, ang dalawang kaganapang ito ay mga pagkakataong kinakitaan ang Pilipino ng tapang sa paglaban sa kadiliman.

Sa brutal na war on drugs ng pamahalaan ngayon, walang nananagot sa mga patayang nangyayari. Dapat nating iparinig ang ating mga tinig. Dapat nating maging matapang. Dapat nating labanan ang kadiliman.

Naging mas masahol pa war on drugs ng pamahalaan kaysa sa itinakda nitong labanan.

Ang araw-araw na eksena ng patayan — mga kalyeng duguan, mga bangkay na nakahandusay, kabilang ang mga bata at mga tinedyer, nananaghoy na mga mahal sa buhay — hindi tayo dapat namamanhid sa paghihirap ng ating kapwa Pilipino.

Mayroon tayong tungkulin bilang mga tao na huwag magbulag-bulagan. Isigaw natin ang ating galit sa mga pagkakataong ito. Magsalita tayo sa gitna ng mga banta at takot, lalo na para sa walang boses. Magmahal at umasa para hindi sumuko ang iba.

Ang tawag ng panahon ay lakas ng loob at tapang ng paninindigan.

 


 

On August 21, we commemorate two tragic events in the country’s history — the Plaza Miranda bombing in 1971 and the assassination of Senator Benigno “Ninoy” Aquino in 1983.

Nine were killed, while around a hundred were injured, including senatorial candidates Jovito Salonga, John Osmena, Eddie Ilarde, Ramon Mitra and Eva Estrada Kalaw at the Liberal Party miting de avance at the plaza. A year later, Ferdinand Marcos will place the entire country under martial law.

 

 

Ninoy Aquino was shot by a lone assassin in 1983 as he arrived at the airport after years in exile. This would trigger an upheaval throughout the country that led to the exile of the dictator and his family in 1986.

Though tragic, both events were defining moments that saw Filipinos resisting the coming of darkness.

With the administration’s brutal war on illegal drugs today, a creeping impunity is in our midst. We must let our voices be heard. We must resist. We should not be afraid.

The Duterte administration’s war on drugs has turned out to be a worse evil than the one it set out to fight.

The daily horror of the murder scenes — pavements littered with blood, dead bodies, including children and teenagers, weeping loved ones — these should not desensitize us to the sufferings of our fellow Filipinos.

We have a duty as human beings not to turn a blind eye or look the other way. Let us be outraged when the situations call for it. Let us speak up amid threats and fear, especially for the voiceless. Let us care and hope, so that others may not give up.

The time calls for courage and commitment.

 

1 thoughts on “Ang tawag ng panahon ay lakas ng loob at tapang ng paninindigan

  1. Pingback: Rally to Commemorate 46th Year of Plaza Miranda Bombing & Denounce the Killing of Kian Delos Santos - Liberal Party of the Philippines

Comments are closed.