PAHAYAG NI CONG KIT BELMONTE SA TUGON NI SEN BONG GO SA ULAT NI VP LENI

Sang-ayon po kami kay Sen. Bong Go. Hindi madadaan sa salita ang salot ng droga. Hindi rin ito malulutas ng walang-habas na pagpatay, ng pagdami ng mga naulila, nabalo, at mga magulang na ninanakawan ng mga anak.

Kaya nga po mga kongkretong hakbang ang rekomendasyon ni VP Leni: Targetin ang bigtime suppliers; magbuhos ng suporta sa prevention, rehabilitason, at reintegration; buwagin ang Tokhang at maglatag ng malinaw na mga operational guidelines para sa mga operasyon laban sa droga; at magsulong ng mga batas at polisiyang tutugon sa ugat ng salot na ito. Kabilang po dito ang batas ukol sa Community Based Drug Rehabilitation.

Di po mababaliktad ng anumang pagbabangayan ang katotohanan: One percent lang ng supply ng droga ang nahuli sa loob ng tatlong taon. One percent ang naging katumbas ng, ayon sa datos nila mismo, mahigit 6,000 patay. Malinaw naman po dapat sa lahat— at nilinaw ni VP Leni sa kanyang report—na may mali sa mga hakbang nitong huling tatlong taon.

Kung seryoso si Sen Bong Go at ang administasyon sa pagsupil sa droga, tatanggapin nila ang katotohanan at itatama ang kanilang polisiya. Ititigil nila ang walang-habas na pagpatay, dahil malinaw na hindi ito ang solusyon sa droga. Hindi sila magbugulag-bulagan, at hindi nila ibabaling muli sa politika ang napakaseryosong mga findings ng ulat ni VP Leni.