Gadon cases vs VP etal political harassment, persecution based on lies: Kiko

Political harassment at persecution ang ginawang pagsampa ng kaso ng sedition, inciting to sedition, at kung anu-ano pa kina Vice President Leni Robredo at sa ating mga kaalyado sa Senado at sa mga kandidato natin sa Otso Diretso, at maging sa mga sumuporta sa ating mga taong-simbahan.

Gawa-gawa, kasinungalingan, at walang basehan sa katotohanan ang mga paratang.

Ginagawa ito ng mga kalaban ng demokrasya dahil si VP na lang ang nakaharang sa kanilang hangarin na ituloy ang patayan sa huwad na war on drugs nang walang nananagot, ang pagbenta ng Pilipinas sa China, at ang panghabambuhay na paghahari-harian nila sa bansa.