We oppose moves in Congress to lower the minimum age of criminal responsibility to nine years old.
We stand by various studies cited in the current law, Republic Act 9344 or Juvenile Justice Welfare Act of 2006, that young people at that age do not have the same emotional, mental, or cognitive maturity as adults.
The proposal at the House of Representatives said the measure would cover young offenders who committed serious offenses such as murder, parricide, infanticide, serious illegal detention, carjacking. However, we take note that among these offenses include the violation of the Dangerous Drugs Law, which we fear could be the catch-all crime, knowing how this administration has been carrying out its so-called war against illegal drugs.
What’s even worrisome is the inefficiencies of our judicial system.
Laws that permit youth under the age of 15 to enter the adult criminal justice system will be a departure from the genuine understanding of juvenile justice — to serve the best interests of the child.
The nine-year-olds that the bill wants held criminally liable for offenses committed could be the small kids we see walking on the streets on their way to school.
They could be the children of our friends. They could be our own sons and daughters.
At this young age, the child offender will already have a criminal record — a mark that he will carry when he returns to his family, when he goes back to school, when he finds employment and tries to turn over a new leaf.
The cruel punishment that criminalization will have on them could be ruinous to their future — a point of no return.
We call on our conscientious colleagues in Congress and support groups and individuals to be with us in fighting this bill.
Tinututulan natin ang mga galaw sa Kongresong binababa sa siyam na taong gulang ang pinakamababang edad para ituring na responsable sa krimen.
Nakasandal tayo sa iba’t ibang mga pag-aaral na binabanggit sa kasalukuyang batas, ang Republic Act 9344 o Juvenile Justice Welfare Act ng 2006, na ang mga kabataan sa edad na iyon ay hindi kasing-abante ng matatanda sa damdamin, pag-iisip, at pang-unawa.
Sakop ng panukala sa Mababang Kapulungan ang mga kabataang gumawa ng malubhang pagkakasala tulad ng pagpatay, malubhang iligal na detensyon, at pagnakaw ng sasakyan. Gayunpaman, pansinin natin na kabilang sa mga pagkakasalang ito ang paglabag sa Dangerous Drugs Law, na pwedeng gamitin ng administrasyong ito sa tinatawag nitong war on illegal drugs.
Nakakabahala rin ang bulok na sistemang panghukuman.
Ang mga batas na isinasama ang mga batang wala pang labinlimang taong gulang sa sistema ng hustisyang para sa matatanda ay malayo sa kaisipan sa likod ng juvenile justice (o hustisya ng kabataan) — upang maibigay ang pinakamahusay sa ikabubuti ng bata.
Ang siyam na taong gulang na nais ng panukalang batas na manindigan sa krimen ay maaaring ang paslit na nakikita nating naglalakad sa mga lansangan papunta sa paaralan.
Maaari silang mga anak ng ating mga kaibigan. Maaari rin silang mga sarili nating mga anak.
Sa ganitong edad, ang batang nagkasala ay meron nang kriminal na rekord — isang markang dadalhin niya kapag bumalik siya sa kanyang pamilya, kapag bumalik siya sa paaralan, kapag nakakita siya ng trabaho at sinusubukang magbagong-buhay.
Ang malupit na kaparusahang ito ay maaaring magwasak sa kanilang kinabukasan — at ang wasak na ay hindi nna mabubuo..
Tinatawagan natin ang ating mga kasamahan sa Kongreso at mga grupo at indibidwal na sama-sama nating labanan ang panukalang ito.