Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president, on National Heroes’ Day and the death of US Senator John McCain
Araw-araw, pipila ng isang oras sa MRT, papasok sa trabaho, magbubuno, magpapawis. Pipila ulit ng isang oras o kaya ay tatayo sa bus para makauwi. Para kumita ng mga 500 piso na maiuuwi sa pamilya. Hihigpitan pa ang sinturon dahil pataas ng pataas ang bilihin. Bawat piso tinitipid. Bawat minuto pinahahalagahan. Yung konting panahon na hindi kinakain ng trabaho o naaaksaya sa trapik, ipinapahinga na lang sa labas ng tindahan sa kanto.
Pero hindi sumusuko. Tuloy lang ang laban ng buhay. Papasalamat sa pautang ng kapitbahay na may-ari ng tindahan. Papasalamat sa padala ng kapatid na nasa abroad. Papasalamat sa dagdag-badyet ng asawang tumatanggap ng labada.
Yan ang Pilipino. Masipag. Madiskarte. Palaban. Hindi sumusuko. Yan ang tunay na bayani.
Ang mga nasa pamunuan, dapat ganyan din. Dapat huwaran sa pinamumunuan, tulad ng yumaong senador ng Amerika na si John McCain. Sinagot at hinarap niya ang tawag ng kasaysayan sa pagsusundalo man o sa pulitika.
Ang mga nasa pamunuan, dapat ganyan din. Dapat ginagawa ang mga tungkulin sa taumbayan: Ayusin ang mga pampublikong transportasyon. Pagaanin nang konti ang araw-araw na hirap. Lumikha ng mga trabahong sapat ang sweldo at hindi endo. Bigyang pag-asa na makakaahon din dito sa bayan, at ‘di na kailangang mangibang-bayan. Hulihin at ikulong ang mga mandarambong ng pera ng bayan. Pahalagahan ang mga buwis na pinagpawisan. Gawing abot-kaya ang mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain, lalo na ang bigas.
Maunlad ang bayang bayani ang taumbayan at ang pamunuan.
**
Every day, line up for an hour at the MRT, get to work, toil, hustle. Line up another hour or stand in the bus to get home. To earn about 500 pesos for the family. Keep close watch on expenses as prices go up. Conscious of every peso, every minute. The little time not eaten by work or wasted in traffic is spent hanging out outside the corner store.
But no surrender. Continue life’s fight. Thank the neighbor-store owner for the extended debt. Thank the OFW sibling for the remittances. Thank the spouse for taking in laundry to add to the family budget.
That’s the Filipino. Hardworking. Street-smart. Undaunted. That’s the true hero.
Those in government should follow their example. Be models in leadership, like the late US Senator John McCain. He responded to and faced the call of history both in soldiery and in politics.
Those in government should follow their example. Fulfill their duties to the people: Fix public transport. Ease the people’s everyday hardship. Create secure jobs that pay sufficient wage. Give hope of a good life here and not abroad. Arrest and jail plunderers. Value people’s hard-earned taxes. Make affordable basic commodities like food, especially rice.
Thriving is the country where both ruler and ruled are heroes.