Statement of Erin Tanada, Partido Liberal vice president for external affairs, On the President’s accusation against the opposition

Whenever there’s a failure by this administration, it diverts attention and accuses the opposition of destabilization. Government officials should own up to their failures and not deflect the public’s attention from pressing issues by pointing to the opposition.

Sa totoo lang, matagal nang kumita at sobrang gasgas na ang script na ito ng pamahalaan. Kapag sinisisi ang LP, ang sabihin lang nito ay may nais na namang itagong kapalpakan ang administrasyon.

Instead of blaming the opposition, the administration should spend its time and energy to address pressing problems of the country, like the high prices of goods and services.

Maraming mahalagang bagay ang dapat unahin ng gobyerno kaysa sayangin ang oras sa paninisi ng ibang tao, tulad ng mga isyu ng karaniwang Pilipino: ang abot-kaya at abot-kamay na bigas, ligtas na lansangan, at mas maraming trabahong may disenteng sweldo at benepisyo.

We do not desire to grab power, but to ensure that power is not misused or abused.

**

Tuwing may kapalpakan sa administrasyong ito, nililihis ang atensyon at nag-aakusa ng destabilization sa oposisyon. Dapat kilalanin ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang kapalpakan at huwag gawing panangga ang oposisyon sa mga isyung bumabagabag sa taumbayan.

In reality, this government script is cliché. When LP is being blamed, expect that the administration is hiding something.

Imbes na sisihin ang oposisyon, mas maigi pang tuunan ng panahon at lakas ang mga kagyat na problema ng bansa, tulad ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Government should give priority to important issues instead of wasting time blaming other people, like the concerns of ordinary Filipinos: affordable and available rice, safe streets, and more jobs with decent wages and benefits.

Hindi natin ninanais na mang-agaw ng kapangyarihan, kundi ay siguraduhing ito ay hindi inaabuso.