On the DoJ Resolution Exonerating Kerwin Espinosa et al. of Drug Charges

The Department of Justice resolution has effectively exonerated several personalities linked to the drug trade, among them Presidential kumpadre Peter Lim, convicted drug lord Peter Co, and confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Meanwhile, Liberal Senator Leila de Lima languishes in jail. Not one gram of illegal drugs has been found in her possession. The only supposed evidence against her: The testimony of Kerwin Espinosa — who, according to the DoJ, has been cleared of involvement in the illegal drug trade.

The exoneration highlights the administration’s poor record for due process and fairplay. The poor with a few grams of illegal drugs are killed while the wealthy and political allies caught with P6.5 billion worth of shabu remain free.

The exoneration sheds any pretense of logic. If Kerwin Espinosa is not involved in drugs, then what reason remains for him to bribe Senator de Lima, as he claimed in his testimony? What reason remains for Senator de Lima to be in jail?

We continue to assert that Leila de Lima is innocent. Her only crime was to hold government to account for human rights abuses and extra-judicial killings. We call for her immediate release.

These actions — letting guilty cronies go free, while persecuting those who stand against the powers-that-be — are the very hallmarks of authoritarianism.

Be that as it may, Partido Liberal stands firm in its resolve to speak against abuse of power and injustice. We remain hopeful that before it is too late, our people will fight and resist the growing injustice and abuses committed against them, on their behalf, and on their dime.

**

Pinawalang-sala ng Department of Justice resolution ang ilang mga personalidad na sangkot sa bentahan ng droga, kabilang sina Presidential kumpadre Peter Lim, convicted drug lord Peter Co, at confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Samantala, nananatiling nakakulong si Liberal Senator Leila de Lima. Ni walang isang gramo ng iligal na droga ang nakita sa kanya. Ang tangi umanong ebidensya laban sa kanya: Ang testimonya ni Kerwin Espinosa — na ayon sa DoJ, ay abswelto sa kanyang pagkakasangkot sa bentahan ng iligal na droga.

Ipinapakita ng pag-absweltong ito ang mahinang rekord ng administrasyon sa due process at pagiging patas. Ang mahihirap na makitaan lang ng ilang gramo ng iligal na droga ay pinapatay habang ang mayayaman at kaalyadong nahulihan ng P6.5 bilyong halaga ng shabu ay nananatiling malaya.

Wala ng pagpapanggap sa pag-absweltong ito. Kung walang kinalaman si Kerwin Espinosa sa droga, ano ngayon ang nalalabing dahilan para suhulan pa si Senator de Lima, na sinabi niya sa kanyang testimonya? Ano ang nalalabing rason para manatili pa si Senator de Lima sa piitan?

Patuloy naming igigiit na inosente si Leila de Lima. Ang tangi niyang kasalanan ay ang panagutin niya ang pamahalaan sa mga paglabag sa karapatang pantao at extra-judicial killings. Pinapanawagan namin ang kanyang agarang paglaya.

Ang mga pagkilos na ito — ang pagpapalaya sa mga crony, habang inuusig ang mga naninindigan laban sa makapangyarihan — ay mga palatandaan ng awtoritaryanismo.

Gayon pa man, nakatindig ang Partido Liberal sa paninindigan nitong magsalita laban sa pagmamalabis ng kapangyarihan at kawalang katarungan. Nananatili kaming umaasa na bago mahuli ang lahat, lalaban at tututol ang ating mga kababayan sa lumalalang kawalang katarungan at abusong ginagawa laban sa kanila, na pinapatupad sa ngalan nila, at ipinagpapatuloy na gamit ang pondo nila.