Partido Liberal statement on 32nd EDSA People Power

Sa gitna ng mga unos na hinaharap ng ating bansa ngayon, walang katumbas ang mga aral na babalikan natin dala ng paggunita sa ika-32 na anibersaryo ng EDSA People Power. At sa lahat ng naging mensahe ng unang EDSA People Power, marahil ang pinakamahalagang alalahanin ay ito: puno’t dulo ng bawat demokrasya ang pakikinig sa boses ng mga mamamayan.

Walang kapangyarihang maaaring ipagkaloob sa sinumang lider ang makatatalo sa nagkakaisang tinig ng sambayanang alam ang kanilang mga karapatan at handang ipaglaban ang mga ito.

Sa mga oras ng pagsubok, bukod-tangi ang Pilipinong naninindigan at nagpapahayag ng kanyang saloobin, lalo na kung may bantang pag-alis ng kanyang karapatang magsalita at punahin ang gobyerno. Tayong lahat, tayong mga boses na nagsasalita para sa kapakanan ng ating bansa at ng demokrasyang ating pinangangalagaan — mahalaga tayo. Sa atin nakaangkla ang tagumpay ng bayan.

Kaya’t sa ating pagdiriwang ngayon, sana’y panatiliin nating buo ang ating loob. Malayo pa ang ating kailangang lakbayin, at marami pa tayong kailangang gawin, ngunit buhay ang diwa ng EDSA sa ating mga puso — patuloy tayong tatayo at lalaban, para sa kalayaan, para sa katwiran, at para sa bayan.

Nawa’y maging mapagpala at dakila ang ating pagdiriwang ng anibersaryong ito ng EDSA People Power I.

===========

Amidst the countless trials our country faces today, there remains no lesson more important than those we now look back on as we commemorate the 32nd anniversary of EDSA People Power I. And of all the messages of that first EDSA People Power, perhaps most important is this: that at the core of all democracies is the duty to listen to the people.

Whatever powers may be bestowed on any leader, there is nothing more powerful than the united voice of a people who know their rights and are ready to fight hard for them.

This is why in times of turmoil, exceptional are the Filipinos who stand their ground and speak their mind, especially if their right to be critical of the government is threatened. Everyone of us who dares to raise our voice for the sake of our country and the democracy we strive to protect — we matter. The triumph of our nation rests on our fiery will.

Therefore, in our remembrances today, we should keep our will strong and unbreakable. There is so much farther to travel, so much more to do, but the spirit of EDSA burns bright in our hearts — we will continue to stand and fight, for freedom, for justice, and for our country.

May we all have a blessed and memorable celebration of this year’s EDSA People Power I anniversary.